Biyernes, Setyembre 13, 2019
Teknolohiya para sa Ikauunlad ng Bansa
Noon ay nagsimula sa walang-wala. Walang kulay, walang ka buhay-buhay, maraming mga kakulangan. Walang problemang mga iisipin na mga babayarin dahil wala pang mga kuryente at kakaunti lang ang mga gumagamit ng teknolohiya.
Ngayon, may mga teknolohiya na sa bawat tahanan, katulad ng mga T.V at kuryente. Maraming ng babayarin na dapat alalahanin.
Sa lahat ng pagbabago sa mundo ay marami na rin mga krimen na nangyayari sa mundo. Pero mayroon din naman maraming tulong ang teknolohiya para sa mga mamamayan.
Katulad ng pagkakaroon ng cellphone para mapadali ang buhay. At ang pagkakaroon ng Electric Bike (e-bike) para mapadali ang transportasyon ng isang tao.
Ang teknolohiya ay talagang nakakatulong sa atin, kung wala nito ay maiiwan sa pupolasyon ang ating bansa.
HAKBANG NG TAGUMPAY
Ang buhay ay mahahalintulad ko sa hagdan, isang mag-aaral na may pangarap. Sa una ay masasabi mong kakayanin at madali lang pero pag masyado ng mataas at sa kahulihulihan ng iyong pag-hakbang ay masasabi/maiisip mo nalang na hindi ito madali.
Nagsimula sa parang wala lang, tulad nalang sa pag-aaral ng unang hakbang sa Kindergarten, Elementarya, Sekondarya at sa huli ang Kolehiyo. Oo masasabi mong parang madali lang pero sa punto na unabot kana ay malalaman mong mahirap, pero sa pagdating ng panahon maiisip mo na kahit mahirap ay kailangan paring gawin para ikaw ay makarating sa iyong destinasyon o tagumpay.
Sa bawat tao ay iba-iba at marami ang mga pagkakaiba at pagkakahalintulad. Ngunit kahit sino mang tao ay hindi magkatulad
Sa buhay marami kang mga pagdadaanang mga problema. Hindi lang mga pampamilyang problema kundi sa lahat lahat na.
Sa buhay ng isang tao ang pagiging masipag, mapursige at may lakas na loob na haharap sa lahat ng pagsubok ay tulay na patungo sa magandang hinaharap na tagumpay.

TAPAT AT TUNAY NA KAIBIGAN
Masarap mabuhay kapag mayroong maraming tunay na kaibigan. Iba't ibang ugali ang ating makakasalamuha.
Minsan may mga bagay na hindi mapagkasunduan dahil sa magkaibang gusto. Pero ito ay agad naman na masosolusyonan dahil sa pag-uunawaan.
Masaya at magaan sa pakiramdam kapag may kaibigan kang nasasabihan sa iyong mga problema. At dahil sa kasiyahan nitong hatid ay nalilimotan mo ang problema kahit sandali.
Ang pagkakaroon ng isang kaibigan ay parang pagkakaroon ng isang kapatid. Dahil may kasama ka sa lahat ng bagay.
Ang pagkakaroon ng isang totoong kaibigan ay isa sa masasayang bahagi sa ating buhay. Ang totoong kaibigan ay handa kang ipagtanggol at ang mahalaga ay totoo kayo sa isa't isa.
Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)